Ni REGGEE BONOAN

AYAW naming magbigay ng malisya sa napanood naming video ng paghalik ni Sue Ramirez sa malapit sa labi ni Arjo Atayde nang masugatan ang binata habang kinukunan ang isang eksena nila sa sa seryeng Hanggang Saan.

SUE AT ARJO copy

Off-camera ay niyakap ni Sue si Arjo, dahil siya siguro ang dahilan kung bakit nasugatan ang aktor, bilang paghingi ng sorry sabay halik nga.

Human-Interest

Anak na napahagulgol sa regalong bagong panty ng Mama niya, kinaantigan

Tinukso ni Teresa Loyzaga (nanay ni Sue sa serye) ang dalawa at narinig namin ang sinabi nitong, “Uy, uy, kilig-kiligan.”

Pati si Ces Quesada na yaya ang karakter sa serye ay nakitukso rin at nagpuso sign pa na ikinatawa naman nina Sue at Arjo.

May mga naririnig na kaming kuwento sa production na malapit sa isa’t isa sina Arjo at Sue sa set kahit walang camera, madalas silang magkuwentuhan at magbiruan.

E, Bossing DMB, sa biru-biruan nagsisimula ang lahat, di ba? Lalo na kung nakita ninyong compatible kayo sa isa’t isa.

Hmmm, hanggang saan kaya lalabanan nina Sue at Arjo ang namumuong maganda nilang pagtitinginan? Pareho na kasi silang ‘taken’ at sa dalaga pa mismo nanggaling na, “Eh, may GF (girlfriend) naman na si Arjo, di ba?”

‘May boyband PH ka naman din, di ba?’ hirit namin na ikinatawa ni Sue.

Anyway, ang ganda ng confrontation scene nina Sue bilang Ana at ni Maxene Medina bilang si Atty. Georgette sa isang coffee shop nang akalain ng una na sinusundan siya ng dalawa kasama si Paco (Arjo).

Ang ending lumipat ng makakainan sina Atty. Georgette at Paco at kitang-kita ni Anna na hinihila ng una ang binata. Nakaramdam ng kurot sa puso ang huli dala ng selos.

Sabagay sabi naman ni Anna kay Sonya (Sylvia Sanchez) nang dalawin niya sa kulungan, ‘I fell in love with the man who caused my father’s death.’

Kaya Hanggang Saan at paano ang pakikipaglaban ni Anna kina Paco at Sonya?