MULING nakabalik ang basketbolistang Pinoy sa world stage at naganap ito sa suporta at malasakit ni business tycoon at sports patron Manny V. Pangilinan.

pangilinan copy

Dahil sa natatanging liderato, kabilang si Pangilinan sa pagkakalooban ng pinakamataas na parangal na President’s Award sa gaganaping PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Pebrero 27 sa Manila Hotel.

Ang pagmamahal sa sports, partikular sa basketball ang nagtulak kay Pangilinan, chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), upang makipagsapalaran sa FIBA at nito lamang nakalipas na taon ay matagumpay na nakamit ang 2023 FIBA World Cup hosting sa bansa.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Dahil dito, siguradong mapapanood ng sambayanan ang pinakamahuhuay na basketbolista sa buong mundo partikular ang US Team dahil kasama sa hosting ng bansa ang championship game.

“Pangilinan, as the driving force behind the successful bid to bring basketball’s world championship back to the Philippines for the first time since 1978, is most deserving of the honor,” pahayag ni PSA president Dodo Catacuta ng Spin.ph.

Bukod sa President’s Award, ipagkakaloob din ang PSA Athlete of the Year kina Jerwin Ancajas, Carlo Biado, at Krizziah Lyn Tabora sa taunang programa na itinataguyod din ng Philippine Sports Commission, Philippine Basketball Association (PBA), Mighty Sports, Rain or Shine, at Globalport.

“This hosting is for the country. It’s a great honor. The Filipinos deserve it,” pahayag ni Pangilinan.

“If there’s anything, any legacy I’d like to leave to the sport of basketball, it’s that the Philippines, after so many years, will be at the center of the world in the sport of basketball,” aniya.

Gaganapin din sa bansa ang FIBA 3x3 World Cup.

Noong 2016, pinagkaloob naman ng PSA ang Gilas 3.0 ng parehong parangal ng pinakamatandang media organization sa bansa matapos magwagi ng silver medal sa 2015 FIBA Asia Championship.

Nakahanda ring ipagkaloob ang Executive of the Year award, NSA (National Sports Association) of the Year, Lifetime Achievement Awards, major awards, at citations sa mga natatanging atleta.