Ni Annie Abad

HINDI maaaksyunan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang reklamo ng mga atleta kung hindi sila pormal na magsusumite ng reklamo sa POC Ethics Committee laban sa mga opisyal ng Philippine Karate-do Federation (PKF).

Ayon kay POC auditor Julian Camacho ng wushu, wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo, maging ang Ethics Committee na pinamumunuan ni Frank Elizalde.

‘Hindi naman kami puwede umaksyon laban sa aming miyembro kung walang pormal na reklamo,” pahayag ni Camacho, patungkol kay PKF president Jose ‘Joey’ Romasanta na inaaakusahan ng kanyang mga atleta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Romasanta ay POC first vice president at pangulo rin ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc.

Sa pagbisita sa PSA Forum nitong Miyerkules, ipinahayag ng mga miyembro ng National karate team ang kanilang pagkadismaya sa liderato ni Romasanta ang secretary-general na si Raymund Lee Reyes.

“Nakakalungkot mang isipin na nandito tayo sa ganitong sitwasyon na ito,” sambit ni Mae Soriano, bronze medalist sa Asian Games sa Incheon, South Korea. “Kaming mga atleta rin kasi yung ndadamay kaya as soon as possible, gusto ko na rin na matapos ito para kami ay maka-focus na rin sa training.”

Kabilang si Soriano sa 18 national team members na lumagda sa manifesto laban kay Romasanta at Raymund Lee Reyes.

Inakusaha ng mga atleta si Reyes nang pamimitik sa kanilang traning allowances na nagkakahalaga ng US$1,8000 bawat isa. Ibinigay lang umano ni Reyes sa 12 atleta ang tig-Euro 460.

Hinihintay na lamang ng PSC ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para magsampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang opisyal, ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez.