Japeth Aguilar (PBA Images)
Japeth Aguilar (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:30 n.h. -- NLEX vs Rain or Shine

7:30 n.g. -- Ginebra vs Phoenix

APAT na koponan ang papagitna na kapwa may parehong pakay sa pagbabalik ng aksiyon ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon, maghaharap ang NLEX at Rain or Shine habang magtutuos sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi ang crowd favorite Barangay Ginebra at ang Phoenix Petroleum. Bawat isa ay naghahangad na makabawi mula sa natamong kabiguan.

Matapos ang impresibong 2-0 panimula, nasadlak sa tatlong sunod na pagkatalo ang Road Warriors, pinakahuli kontra defending champion at league leader San Miguel Beer kung saan napatawan pa ng multa si coach Yeng Guiao pagkaraang magkaroon ng alitan sa pagitan nila ni SMB guard Chris Ross.

Bumagsak naman sa five-way tie sa fifth spot kasama ng katunggali nilang NLEX, Globalport, Blackwater at Phoenix taglay ang barahang 2-3, ang Elasto Painters matapos mabigo sa nakaraan nilang laban kontra Kia Picanto.

Sobrang kumpiyansa, ang nakikitang sanhi ng nasabing pagkabigo na nagbigay sa Picanto ng una nitong panalo matapos mabigo sa unang apat na laro.

“Siguro sobrang kumpiyansa lang namin kaya ganun. Pero di bale, bounce back na lang next game, “ pahayag ng nagbabalik mula sa medial collateral ligament (MCL) injury na si Jericho Cruz.

Lalaro ang Elasto Painters na wala si big man Raymund Almazan na napatawan ng suspensiyon makaraang ma thrownout pagkatapos na makipagsuntukan kay Eric Camson sa nakaraan nilang laban.

Magkukumahog namang kapwa upang makaiwas na malugmok sa ikatlong sunod na kabiguan ang Barangay Ginebra Kings at Phoenix Fuel Masters sa kanilang tapatan sa ikalawang laban.