HINIKAYAT ni eight-division world champion at Senator Manny “Pacman” Pacquiao na magkaroon ng kalinawagan at pagkakaisa sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kasalukuyang nababahiran ng kontrobersya bunsod ng mga akusasyon ni Board member Sandra Cam laban sa kapwa opisyal ng institusyon.
“We have to fix first the problem from the inside,” pahayag ni Pacquiao.
Aniya, kung magkakausap at mareresolba ang anumang suliranin, makapaglilingkod ang mga opisyal ng ahensiya nang maayos at makabuluhan para sa bayan.
“Sayang, ‘pag hindi magkaisa, madami pa naman tayong natutulungan dahil sa PCSO,” aniya.
Miyembro si Pacquiao ng Senate Committee on Games and Amusements na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson at nagsasagawa ng public hearing para maamyendahan ang PCSO charter.
Ang Senate Bill (SB) 1470 o Philippine Charity Office Act of 2017 na akda ni Lacson ay magbibigay kaluwagan sa PCSO Charter para mapabago ang sistema na naayon sa kasalukuyang sitwasyon ng pamunuan.
Sa ilalim ng naturang batas, mas mapapalaki ng PCSO ang revenues para masustinahan ang programa sa kalusugan, medical assistance and services, at iba pang programa sa kawang-gawa.
Sa ayuda ng senator, mapupunta ang 75 percent ng charity fund sa Philippine Health Insurance Corp., (Philhealth) para sa medical assistance ng mga indigents, 15 percent sa public hospitals at rural health care units at public health care facilities, eight percent sa Department of Health for free medicine and medical equipment, ot ne percent sa Department of Social Welfare and Development at isa pang one percent para sa Philippine Council for Health Research and Development.