Ni NITZ MIRALLES
SA last taping day ng Super Ma’am, nagkaroon ng konting party dahil nagpa-McDo si Marian Rivera. Kaya kahit malungkot dahil hindi na regular na magkikita-kita ang cast na naging close, masaya na rin na nakilala nila ang bawat isa at naging magkakaibigan sila.
Ang ganda ng ginawa ni Marian na may pictures siya with the cast, may dalawa sila sa litrato, may grupo at ang last IG story niya ay solo siya at ang caption ay, “Super Ma’am is signing off” at “mami-miss ko kayo.
Matindi ang final episode sa paghaharap nina Minerva (Marian) at kapatid niyang si Mabelle (Kim Domingo) na akala niya’y kakampi na niya, pero trinaydor pala siya.
Guest din sa final episode si Jak Roberto na in fairness, lahat yata ng shows ng GMA-7 napapanood namin. Bini-build up talaga si Jak na maging isa sa important stars ng network.
Samantala, sabi ng manager ni Marian na si Rams David, naurong sa February ang renewal ng kontrata ni Marian sa GMA Network dahil sa schedule. Dapat this January siya magre-renew ng contract, hindi lang maisingit sa schedule.
