Boss Vic, Xian, Veronique, at June copy

Ni REGGEE BONOAN

NANGGULAT si Xiam Lim, akalain mo walang kaabug-abog na bigla na lang pumirma ng five-year management contract sa Viva Artist Agency ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus at 10-picture contract for Viva Films under Miss June Rufino.

Kadalasan kasi kapag may mga kilalang artistang lumilipat ay may bulung-bulungan na sa apat na sulok ng showbiz, pero tahimik ang negosasyon ni Xian kaya marami ang nagulat nang i-announce na nasa Viva na siya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Noong 2009 naging Star Magic artist si Xian, kaya eight years din siya tumagal sa pangangalaga nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto.

“Siyempre po, I’ll always be grateful and thankful naman po sa lahat ng nabigay ng Star Magic, Ms. Mariole, Mr. M. family naman doon, eh,” sabi ni Xian nang humarap sa reporters sa contract signing.

Ramdam ng ilang entertainment writers na nakausap ni Xian na nalungkot siya sa pag-alis sa talent arm ng ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng oportunidad para makilala sa showbiz at bilang pagtanaw ng utang na loob ay hindi niya totally aalis sa Kapamilya Network.

“Sa Viva kasi, I was given the opportunity to work with Sarah (Geronimo) and James (Reid) in their upcoming movie na Ms. Granny. And I’m very excited kasi couple of years back kapag tinatanong ako kung sino ‘yung mga gusto kong makapareha. To be able to work with Sarah is already a very huge blessing and siyempre si James din. Nakakasalubong ko lang sila, saying ‘hi and hello’ but now magkakatrabaho na,” nakangiting sabi ni Xian.

Maayos naman daw ang pagpapaalam ni Xian sa Star Magic executives.

“Maayos naman po, I had my mom, nadaan naman po sa usapan,” saad ang aktor.

Expired na ba ang kontrata niya sa Star Magic?

“Yes, I wouldn’t know po the exact date.”

Hindi ba nag-offer ng renewal?

“After po nu’ng nakipag-usap kami ni Ms. VR (Veronique) about the project, mas nangibabaw, I mean the upcoming project, that’s already enough for me,” katwiran ni Xian.

Gusto pa ng aktor na mag-grow ang talent niya na puwede pa niyang ipakita.

Ano ang reaksiyon ni Kim Chiu sa paglipat niya sa Viva Artist Agency.

“Usually po kasi kami ni Kim, hindi namin napag-uusapan ang work, pero nasabi ko na naman po sa kanya and she’s very supportive naman po, kami sa isa’t isa,” kaswal na sagot ng ka-love team ng dalaga.

Ilang linggo o buwan niyang pinag-isipan ang paglipat ng talent management?

“Ms. Reg, hindi ko po alam ‘yung exact dates, pero matagal din pero this week lang ako nag-decide,” sagot ng aktor.

Walang dapat ipag-aalala ang KimXi fans dahil hinding-hindi raw mabubuwag ang love tean.

“Definitely nandoon pa rin ‘yun, I’ve always been vocal about our tandem na hindi siya matatapos. I mean the KimXi tandem will always be there. I’m sure there’ll gonna be projects lined-up,” say ng binata.

Hindi siya lilipat sa GMA-7.

“I really love ABS-CBN. ABS-CBN will always be my home,” diin ni Xian.

Hirit namin, maraming oportunidad kapag nasa GMA siya dahil magaling siyang host at kulang sa leading man ang nasabing TV network, at si Ms. June ang sumagot.

“Yes, but his loyalty is with ABS-CBN and he can actually go either. ‘Yung tandem nila (KimXi) is still active with ABS and why not one day with film here (Viva).”

Inamin din ng bagong manager ni Xian na si Ms. Veronique na iyon daw talaga ang hiniling ng binata, mananatili pa rin siyang Kapamilya actor, “Hindi naman kami nag-aalis ng talent sa network, management lang naman ang naiba.”

Gustong gumawa ni Xian ng pelikula, magkaroon ng concerts, at gumawa ng album.

“I’ll be having a meeting with Viva Records soon ang that’s another blessing na naibigay nila ang I’m very excited to maibahagi ‘yung music ko,” saad ni Xian.

Marami nang nasulat na mga awitin si Xian at puwede raw niya itong ibigay sa Viva Records.

May mensahe rin ang binata sa mga taong hindi pa siya gaanong kilala kahit walong taon na siya sa showbiz.

“Sana mabigyan ako ng opportunity or give me a chance para kilalanin ako. Para sa akin, ‘yun lang naman ang (hiling) ko. Napakalaking pagkakataon para sa akin na bigyan nila ako ng chance na makilala,” pakiusap ng aktor.

Gusto ring makatrabaho ni Xian si Anne Curtis.

“Yes, for the longest time, sinasabi ko talaga ‘yun. Una kaming nagkasama isang beses lang sa Showtime. Naimbita ako bilang hurado for a week then na-extend, mga 2010 pa. Since then sabi ko gusto ko siyang makatrabaho.”

Samantala, tinanong namin ng diretso si Xian kung ano ba talaga ang real score nila ni Kim Chiu, best of friends pa rin ba o magkasintahan na?

“’Yan na nga, eh. Kasi hindi namin pinag-uusapan ‘yung score between me and her, I mean we’re just posting, we’re just sharing everything that we do,” saad ng aktor na biglang sumaya nang marinig ang pangalan ni Kim.

Ang nakaraang out of the country travel (Finland, Sweden at Copenhagen) nila nitong Disyembre ay treat nila sa isa’t isa at sinabi namin na para silang honeymooners dahil nasa malamig na lugar sila at ang saya-saya ni Kim nang dalhin ni Xian sa Northern Lights na isa sa bucket list ng dalaga.

“Ha-ha, para makahinga, getting fresh air, enjoying vacation kasi ang tagal na rin naming hindi nagawa ‘yun especially sa akin, kasi si Kim mas madalas magbakasyon kaysa sa akin.

“Kasi matagal na rin naming makita ‘yung Northern Lights and paano ba mangyayari kasi maraming naka-block off kasi marami nga po siyang ginagawa, there was a time na sabi namin, tutuloy tayo and it happened,” masayang kuwento ni Xian.

Siya ba ang gumawa ng itinerary ng lakad nila ni Kim?

“Sasabihin ko po ako, pero ‘pag siya ang tinanong, sasabihin niya siya, siguro collaboration na lang po.”

As of press time ay may shooting na si Xian sa pelikula nila nina Sarah at James na Ms. Granny na hinalaw mula isang Korean movie na gagawan. Ang Pinoy version ay mula sa direksyon ni Joyce Bernal for Viva Films, siyempre.