one copy

Ni ANNIE ABAD

MAGHATID ng tulong upang sugpuin ang kahirapan ang siyang pangunahing layunin ng Global Citizen sa kanilang pakikipag isa sa One Championship.

Ang nasabing partnership ang siyang magtatanghal sa labanan nina Geje Eustaquio na siyang pambato ng Pilipinas at ni Kairat Akhmetov ng Kazakhstan na siyang magpapakitang gilas sa martial Arts fight para sa ONE Interim Flyweight world Championship bukas sa MOA Arena.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Ayon kay Eustaquio, hindi madaling kalaban si Akhmetov, gayung ito ang ikalawang ulit na sila ay maghaharap ngunit gagawin niya ang kanyang makakaya upang pataobin ang karibal.

“Mahirap siyang kalaban kasi iba ang style niya, gagamitan ko siya mga spikes ko at sisikapin ko na manalo ulit,” pahayag ng 27-anyos na si Eustaquio.

Siniguro naman ng kanyang katunggali na si Akhmetov na babawiin nito ang belt at patutunayan na siya ang dapat tanghalin na pinakamagaling na flyweight martial artist.

“Losing the title was tough for me, I wanted nothing more than to get right back in contention and reclaim my belt.

But Geje Eustaquio put up a valiant effort in our last encounter, and now it’s time to put this all behind me. A resounding victory is what i need to win this belt,” ayon kay Akhmetov.

Samantala, tiwala naman ang CEO at chairman ng ONE na si Chatri Sityodtong na maisasaktuparan ng kanilang grupo ang layunin na makatulong sa pagsugpo ng kahirapan sa Pilipinas.

“It is with great excitement that I announce ONE championship’s partnership with Global citizen, an NGO with the goal of ending extreme poverty across the world by the year 2030. Our One championship athletes embody the spirit of perseverance and many have risen through poverty through martial arts, inspiring millions of people around the world with their journey,” ani Sityodtong.