Ni Nora Calderon

LAST taping day na ngayong araw ni Marian Rivera sa Super Ma’am na ipalalabas bukas sa final episode nila after ng 24 Oras.

Marian Rivera 012418 copy copy

Nakausap namin ang manager niya na si Rams David sa presscon ng Sherlock Jr. na nagkuwentong dapat ay kahapon nag-last taping day, pero dahil masyadong maaksiyon ang mga eksena ay hindi natapos kaya kinailangan ang isang araw pa para sa finale scenes.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Kaya hindi natuloy ang contract signing para panibagong three-year exclusive contract ni Marian sa GMA Network, at baka next month na lang.

May bagong project bang gagawin si Marian?

“May mga ibinigay na sa kanyang storylines at pag-aaralan niya kung alin ang tatanggapin niya,” sagot ni Rams. “Pero this time, gusto niya ay drama naman tulad ng mga nagawa na niya noon.

“Since gusto na nila ni Dingdong (Dantes) na masundan na nila si Baby Zia, gusto niya ay hindi na maaksiyon na tulad ng Super Ma’am although thankful siya sa mga televiewers dahil tinanggap siya sa pag-aaksyon niya. Salamat din sa GMA sa pagbibigay sa kanya ng bagong tema naman ng project.”

Magpapahinga raw muna si Marian at hinihintay lamang nitong matapos ang ginagawang pelikula ni Dingdong sa Viva Films with Anne Curtis at itutuloy na nila ang bakasyong mag-anak sa Europe.

First time nilang dadalhin si Baby Zia sa family ng lolo nitong si Fran Gracia sa Spain. Hindi sila natuloy noong Christmas dahil busy pareho ang mag-asawa sa kani-kanilang projects. Gusto kasi nilang matagal-tagal na makasama ang family ng ama at relatives sa Spain, kaya naghintay sila ng proper time.

Sa pagbabalik ni Marian, malamang na magsimula na siyang mag-taping ng bago niyang drama series sa GMA.