Ni Liezle Basa Iñigo

Nalagutan ng hininga ang dalawang tao habang sugatan ang dalawang iba pa nang mabangga ng bus ang tatlong motorsiklo sa national highway ng Barangay San Andres sa Ilagan City, Isabela, nitong Martes.

Kinilala ang namatay na motorcycle riders na sina Dexter Lana, 25, ng Bgy. Dassun, Solana, Cagayan; at Nerwin Manuel, 23, ng Bgy. Fuyo, Ilagan City, Isabela.

Sugatan naman ang driver ng Hyundai Dalin Bus na si Anthony Ramos, 36, ng Bgy. Palattao, Naguillan, Isabela, at ang angkas sa isa sa mga motorsiklo na si David Lana, 47, ng Bgy. Dassun, Solana, Cagayan.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Dakong 6:00 ng gabi nang agawin umano ng bus ang lane ng tatlong motorsiklo.