Ni MERCY LEJARDE

NI-RENEW ng Viva ang management contract kay Ronnie Liang nitong nakaraang linggo. Napakaraming proyekto ni Ronnie sa Viva nitong mga nakakaraang taon, dahil lagi siyang kasama sa shows at concert ni Sarah Geronimo at nina James Reid at Nadine Lustre. Kasama rin siya sa blockbuster hit na 100 Tula Para Kay Stella at Fan Girl Fan Boy ng Viva Films na Koreano ang role niya.

Ronnie copy copy

Mas madalas tuloy siyang napagkakamalang Koreano dahil doon.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Nag-release din si Ronnie ng mga kanta sa Viva Records kagaya ng Pakisabi Na Lang at Nag-iisang Ikaw na available sa iTunes at Spotify.

Laking pasasalamat niya sa pagtitiwala ng Viva sa kanyang talento at kakayahan.

“Nagpapasalamat po ako sa Viva family ko lalo na kina Boss Vic del Rosario, Boss Vincent at Ma’am Veronique Corpuz sa kanilang pagtitiwala sa akin at suporta sa aking career,” sabi ni Ronnie. 

Gumagawa na ng panibagong album si Ronnie Liang na ire-release sa Marso 2018 under Viva Records pa rin. Ito ang kanyang fifth album. Ang kanyang mga naunang album ay Ang Aking Awitin na naglalaman ng kanyang hit songs na Ngiti at Gusto Kita, Ronnie Liang Ayli (Kapampangan version ng Ngiti), May Minamahal at Songs of Love albums. 

Sumasailalim din si Ronnie sa master class acting workshop under Direk Rahyan Carlos. 

Naniniwala po ako na kailangan natin pagbutihan at huwag huminto sa pag-aaral para sa ikagaganda, ikahuhulma, at lalong ikagagaling ng ating talento sa pagkanta at pag-arte para lalong mapasaya at ma-satisfy ang ating mga audience,” sey niya.

Mahusay kumanta at magaling umarte si Ronnie. Tinanghal siyang Best Actor sa kanyang indie film na Esoterika Maynila at sa Bituing Walang Ningning The Musical ng Aliw Awards.