Hanggang Marso 1, 2018 na lamang ang tanggapan ng mga nominasyon para sa mga karapat-dapat na tumanggap ng Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) 2018 Outstanding Filipinos award.

Inilunsad noong nakaraang buwan ng MBFI ang nasabing parangal sa Education Summit, at pormal nang tumanggap ng mga nominasyon sa unang bahagi ng buwang ito.

Ang nasabing parangal ng MBFI – na igagawad sa apat na guro, tatlong sundalo, at tatlong pulis – ay “tribute to selflessness, courage and social responsibility of Filipinos”, partikular na ang mga nagkaloob ng hindi matatawarang serbisyo na higit pa sa kanilang tungkulin.

Maaaring ipadala ang mga nominasyon sa tanggapan ng MBFI sa 4th floor Executive Offices, Metrobank Plaza, Gil Puyat Avenue sa Makati City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang iba pang detalye sa nominasyon ay maaaring masilayan online sa mga website ng DepEd at ng MBFI, gayundin sa Outstanding Filipinos page ng MBFI sa Facebook.