INIHAYAG ng Facebook ang pagsasanay nito sa 65,000 French sa digital skills upang tulungan ang kababaihan na makapagtayo ng sariling negosyo at mabigyan ng trabaho ang mga matagal nang walang hanapbuhay.

Inihayag din ng Internet giant na maglalaan ito ng karagdagang 10 million euros ($12.2 million) sa artificial intelligence sa France sa taong 2022, ngunit hindi sinabi kung magkano ang magiging puhunan sa training schemes.

Makikipagtulungan ang Facebook sa 50,000 jobseekers katuwang ang national unemployment agency, at tutulungan ang mga ito upang mapahusay ang kanilang abilidad sa computer, hanggang sa 2019, pahayag ng kumpanya.

Kasabay nito, makikipagtulungan din ang Facebook sa 15,000 babaeng French na umaasang makapagtatayo ng sariling negosyo, na bahagi ng She Means Business campaign na inilunsad na sa ilang bansa.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Bibigyan nito ang 3,500 babae ng masusing pagsasanay sa computer sa iba’t ibang lungsod sa France, at iba pang intensive free computer training sa iba’t ibang siyudad ng bansa, bukod pa sa 11,500 babae na bibigyan ng access sa online course.

“These initiatives are part of a pan-European programme, with Facebook hoping to train a million people and business founders by 2020,” saad ng Facebook.

Samantala, dodoblehin ng artificial intelligence investment na ito ang dami ng mananaliksik sa AI hub sa Paris — isa sa apat sa buong mundo — sa 60.

“Facebook wants to play a key role in France’s ambition to become the international champion of AI,” saad pa ng social network.