Ni Mary Ann Santiago

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa isang opisyal ng kagawaran, na una na niyang ipinasuspinde dahil sa umano’y pagtanggap ng suhol mula sa isang transport cooperative.

Inatasan ni Tugade si Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Paul Yebra na sampahan ng kaukulang kaso, kabilang ang grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service, si Roberto Delfin, supervising transportation and development officer na nakatalaga sa Road Transport Planning Division ng DOTr.

Base sa reklamo, tumanggap umano si Delfin, sa pamamagitan ng kanyang aide na si Narciso Lim, ng P150,000 mula sa New Sunrise Transport Cooperative (NSTC), kapalit ng paborableng desisyon sa aplikasyon nito para sa route measure capacity.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang nasabing halaga ay ilan lamang sa mga regalo at pabor na umano’y hiningi at tinanggap ni Delfin mula sa NSTC, kabilang na ang escort services at all-expense paid accommodation sa isang pribadong resort.

Nabatid na Enero 10, 2018 nang ipinasuspinde ni Tugade kay Yebra si Delfin sa loob ng 90-araw, upang maiwasang maimpluwensiyahan ang imbestigasyon sa kasong kinakaharap nito.