Ni Lito Mañago

OUT na sa online digital stores ang single ni Kristoffer Martin na Paulit-ulit na produced ng GMA Records. Available na ito for streaming at download via iTunes, Spotify at iba pang Internet media library worldwide. 

Kristoffer

Noong November 2017, this multi-talented Kapuso artist had inked a deal with GMA Records, ang recording arm ng Kapuso Network para sa release ng kanyang single. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabanggit ni Kristoffer sa isang interview na balak niyang ituloy ang kanyang singing career pagkaraang pumutok at pag-usapan sa social media ang awiting Sa Piling Mo na ginamit na theme song ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes. 

“Gusto ko sanang i-pursue ‘yung singing career ko now. Kasi before parang hindi pa masyadong malinaw sa akin kung dapat ko bang i-push ito pero ano ba ‘yung mag-explore man lang,” pagtatapat niya. 

Sa release ng Paulit-ulit, sabi ng award-winning actor, kuntento siya sa natatanggap niyang feedback sa online community. 

“The song itself basically talks about falling in love all over and over again. Naalala ko lang din sa kantang ito ‘yung mga fling-fling puppy love nu’ng high school ako. Paulit-ulit lang ‘yung feeling,” sabi ng binata nang makausap namin sa via direct message ng Twitter. 

“So far, happy po ako sa mga feedback ng mga tao. Nakaka-LSS (last song syndrome) daw lalo na ‘yung chorus part kasi paulit-ulit. Pero ako po wala naman akong masyadong expectations. Ang gusto ko is ma-appreciate ng mga taong nakaririnig nu’ng single ko,” dagdag ni Kristoffer.