Ni ERNEST HERNANDEZ

MULING humihingi ng panalangin at suporta ang pamilya ni Rio Olympian Ian “Yanyan” Lariba ng table tennis.

Nitong Enero 4, muling isinugod sa ospital ang 24-anyos La Salle standout matapos magkaroon ng kumplikasyon ang karamdamang Leukemia. Matapos ang matikas na kampanya sa Olympic kung saan tinanghal siyang unang Pinay na mula sa table tennis na nakalaro sa pinakamalaking arena sa sports sa Brazil, na-diagnosed si Lariba ng sakit na Leukemia nitong Mayo 2017.

lariba copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagpapagaling na lamang sa bahay ni Lariba nang madalas itong magreklamo ng pananakit ng ulo. Sa resulta ng isinagawang pagsusuri, napagalaman na ang Leukemia cancer cells ay kumalat na rin sa kanyang utak at spine kung kaya’t inirerekomenda ang surgery.

Sa kanyang facebook account, ibinahagi ni Noel Gonzalez, coach ni Lariba sa National Team, ang text messahe sa kanya ng ina ni Lariba.

”Gud morning po. Since Jan. 4 Yanyan is experiencing headaches that’s why we brought her to a Neurologist & had undergone MRI. Her Neurologist discussed to us the result of her BRAIN & SPINE MRI’s. Leukemia cells were already scattering na near her brain & spine so she will be scheduled for head surgery today at 1 pm. Pls continue to pray for the success of her operation. We offer everything to GOD. Thank you po.”