Ni LITO MAÑAGO

ISA na namang international Best Actor trophy ang iginawad kay Allen Dizon sa katatapos na 16th Dhaka International Film Festival sa Dhaka City, Bangladesh para sa pelikulang Bomba (The Bomb) na idinirihe ni Ralston Jover.

Allen copy copy

Ginanap ang closing ceremony cum awards night nitong nakaraang Sabado ng gabi sa National Library of Dhaka. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Grateful ang dating sexy stud turned dramatic actor sa suporta ng mga kakabayan nating Pinoy sa Bangladesh partikular na ang grupo ng Philippine Embassy at mga OFW na dumalo sa pagtatapos ng filmfest. 

Ito ang ikalawang Best Actor award ni Allen para sa papel niya sa pelikulang Bomba bilang person with disability (PWD) na si Pipo na nagkaroon ng relasyon sa isang teenager (played by Angeli Nicole Sanoy, Golden Screen Awardee for Patikul). 

Unang nagwagi si Allen ng Special Jury Prize for Acting (tied with his co-star Angeli Nicole Sanoy) for Bomba sa 33rd Warsaw International Film Festival sa Warsaw, Poland nu’ng October 2017.

Ang Warsaw filmfest ay itinuturing na isa sa A-list film festivals sa buong mundo. Ang Top 3 prestigious filmfests ay Cannes in France, Berlinale in Germany at Venice International Film Festival in Italy. 

Ang pagwawagi ni Allen sa Dhaka ay ibinahagi niya sa kanyang co-star, pamilya at mga nakatrabaho sa pelikula. 

Mukhang maganda ang partnership nina Allen at Direk Ralston. Nagka-award na agad si Allen sa una nilang pelikula. May dalawang projects pa si Allen with Direk Ralston — ang Person of Interest at Latay.

Ang ilan sa notable films sa Dhaka filmfest ay ang Daha ng Turkey na nag-premiere sa Arlovy Vary Film Festival, isang A-List festival;Tramontane, a Lebanese drama film na nag-premiere sa International Critic Section ng 69th Cannes Film Festival; at ang Sea Serpents, pelikula ni Joseph Israel Laban na nagwagi ng Jury Prize sa Cinemalaya 2017.

Ang bumuo ng jury ay nagmula sa India, Bangladesh, Iran, Norway at USA. Ang tanging Filipino actress na nagwagi sa (13th) Dhaka International Film Festival ay si Vilma Santospara sa pelikulang Ekstra na idinirihe ni Jeffrey Jeturian.