pcso copy

“‘Yung mga expose, we’ll just have an open mind. Let’s prove them wrong. It’s not always from the chairman, not from GM (General Manager) – it starts from all of us here. Kailangan ipakita natin na we are not that kind of breed na sinasabi nila.”

Ito ang mapaghamong pahayag ng bagong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Anselmo Simeon Patron Pinili sa mga empleyado ng ahensiya sa kanyang mensahe sa ginanap na ‘Change of Command’ ceremony nitong Lunes.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Iginiit ni Pinili na ang pagiging lingkod-bayan ay isang serbisyo para sa sambayanan kung kaya’t marapat na gamitin sa tama.

“We should not be oppressive and (much more) think we are somebody. Kasi ‘yung aking experience sa trabaho sa mga problemadong lugar, nakita ko ‘yung shield pala para ‘di ka magkaroon ng disgrasya is to be able to serve the people well. And I think it will be our shield if we serve the people well,” pahayag ni Pinili.

Bago ang kanyang pagkakatalaga sa PCSO, nagsilbi si Pinili, retiradong heneral sa Philippine National Police (PNP), bilang pinuno ng Office of the Special Envoy on Transnational Crime. Pinalitan niya si Jose Jorge Elizalde Corpuz, miyembro ng PMA “Sandigan” Class ’82, na nagbitiw para pagtuunan ang kalusugan.

“Paano ba serbisyuhan ang mga mamamayan natin? Madali lang yan! Kapag ang serbisyo mo nasa puso wala ng sasabihin pa,” sambit ni Pinili.

“We can defend our President if we follow his marching order: to stop or end corruption.”