Ni Gilbert Espeña
Tinalo ni WBA No. 3 at WBO No. 9 super bantamweight Emmanuel “El Vaquero” Navarrete si WBC Asian Boxing Council junior featherweight Glenn “The Rock” Porras ng Pilipinas noong Sabado ng gabi sa Deportivo de los Trabajadores del Metro sa Mexico City, Mexico.
Kaagad napabagsak ni Navarrete si Porras sa unang round ng sagupaan at ipinakitang handa na siya sa world title fight nang patulugin ang Pilipino sa 2nd round.
“Navarrette dropped Porras twice in round one and again in round two before the Mexico vs. Philippines-themed bout was halted. Time was 1:37,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.
Si Porras ang ikalawang Pinoy boxer na tinalo ni Navarrete matapos nitong talunin via 5thround TKO si dating WBA Inter-Continental super bantamweight champion Jhon Gemino noong Hulyo 29, 2017 sa parehong lugar.
“We are ready for a title shot when Zanfer tells us,” sabi ni Navarrete na hindi pa lumalabas sa labas ng Mexico.
Napaganda ni Navarrete ang kanyang rekord sa 23 panalo, 1 talo na may 20 knockouts samantalang bumgsak ang kartada ni Porras sa 32-7-0 win-loss-draw na may19 pagwawagi sa kncokouts.