MELBOURNE, Australia (AP) — Sibak na laban si six-time champion Novak Djokovic. At ang salarin, sa kanyang kabiguan ang unseeded Korean na si Hyeon Chung.

South Korea's Chung Hyeon hits a forehand return to Serbia's Novak Djokovic during their fourth round match at the Australian Open tennis championships in Melbourne, Australia, Monday, Jan. 22, 2018. (AP Photo/Ng Han Guan)
South Korea's Chung Hyeon hits a forehand return to Serbia's Novak Djokovic during their fourth round match at the Australian Open tennis championships in Melbourne, Australia, Monday, Jan. 22, 2018. (AP Photo/Ng Han Guan)

Tulad niya, laglag din si No.5 Dominic Thiem nang masilat ng American na si Tennys Sandgren.

Bunsod nito, mapapanood ang hindi inaasahang match-up sa unang Grand Slam event ng taon. Haharapin ni Chung, unang Korean na nakaabot sa last eight ng Grand Slam vs. 97th-ranked Sandgren, hindi pa nakakapanalo ng set sa major event o nagwagi sa top 10 player bago ang malaking upset.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi umubra ang diskarte ni Djokovic sa bilis at lakas ng No. 58-ranked na si Chung tungo sa pahirapang 7-6 (4), 7-5, 7-6 (3) sa fourth-round match.

Naitala niya ang 47 winners, kabilang ang kahanga-hangang tirada na nagbigay sa kanya ng panalo sa larong umabot nang tatlo at kalahating oras.

“When I’m young, I’m just trying to copy Novak because he’s my idol,” pahayag ni Chung. “I can’t believe this tonight. Dreams come true tonight.”

Ginapi naman ng 26-anyos na si Sandgren si Thiem, 6-2, 4-6, 7-6 (4), 6-7 (7), 6-3. Sa third round, sinibak niya ang 2014 champion na si Stan Wawrinka.

“I don’t know if this is a dream or not — all you guys are here, so maybe it’s not,” pahayag ni Sandgren.

Umusad din si defending champion Roger Federer nang pabagsakin si Marton Fucsovics, 6-4, 7-6 (3), 6-2.