New Orleans Pelicans forward Anthony Davis jumps on center DeMarcus Cousins after overtime of an NBA basketball game against the Chicago Bulls in New Orleans, Monday, Jan. 22, 2018. The Pelicans won in double overtime, 132-128. (AP Photo/Gerald Herbert)NEW ORLEANS (AP) — Walang duda na All-Star materials ang magkasanggang sina DeMarcus Cousins at Anthony Davis.

Nagsalansan si Cousins ng 44 puntos, 24 rebounds at 10 assists, habang kumubra si Davis ng 34 puntos para sandigan ang New Orleans sa matikas na pagbalikwas mula sa 17 puntos na paghahabol sa regulation tungo sa 132-128 panalo sa double overtime kontra Chicago Bulls nitong Lunes (Martes sa Manila).

Kumana si Cousins ng pitong puntos sa second overtime, tampok ang three-pointer, isang turnaround jumper at dalawang free throws may 8.2 segundo ang nalalabi. Tinanghal siyang unang PBA player mula nang mangibabaw si Hall of Famer Wilt Chamberlain noong 1968 na nakapagsumite ng malaking numero sa tatlong aspeto ng basketball.

Nag-ambag si E’Twaun Moore ng 15 puntos, tampok ang three-pointer sa second overtime para sandigan ang Pelicans sa ikalimang panalo sa huling anim na laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Jerian Grant na may 22 puntos at 12 assists sa Bulls, habang kumana si Robin Lopez ng 22 puntos.

Abante ang Chicago sa 17 puntos nang maisalpak ni Bobby Portis ang dalawang free throws may 5:06 ang nalalabi sa regulation. Ngunit, nakabalikwas ang Pelicans at tinuka ang 21-2 run para maipuwersa ang overtime.

ROCKETS 99, HEAT 90

Sa Houston, nasundan ng Rockets ang malaking panalo laban sa defending champion Golden State Warriors nitong Sabado matapos palamigin ang Miami Heat.

Ratsada si James Harden, ikalawang laro mula sa anim na larong pahinga bunsod ng injury, sa natipang 28 puntos.

“You have those games during the season where (you) win the game and move on ... out of 82 of them sometimes it’s going to be ugly, but you just want to win,” sambit ni Chris Paul.

Kumana si Hassan Whiteside ng 22 puntos at 13 rebounds para sa Heat.

BUCKS 109, SUNS 105

Sa Milwaukee, humirit si Khris Middleton ng 35 puntos, kabilang ang dalawang long jumper para maisalba ang panalo ng Bucks kontra sa Phoenix. Sumabak ang Bucks na wala si head coach Jason Kidd na sinibak ng Bucks management ilang oras bago ang laro.

Nanguna si T.J. Warren sa Phoenix na may 23 puntos.

MAVS 98, WIZARDS 75

Sa Dallas, kinumpleto ng Mavericks ang dominasyon sa playoff-contender Washington Wizards ngayong season.

Tumipa si Harrison Barnes ng 20 puntos at 10 rebounds, habang kumana si rookie Dennis Smith Jr. ng 17 puntos para sa Mavericks, nagwagi sa Wizards sa tatlong laro ngayong season.

Sa iba pang mga laro, naapuhap ng Denver Nuggets ang Portland TrailBlazers, 104-101; ginapi ng Memphis Grizzlies ang Philadelphia 76ers, 105-101; dinagit ng Atlanta Hawks ang Utah Jazz, 104-90; at tinusok ng e Charlotte Hornets ang Sacramento Kings, 112-107.