Ni ADOR SALUTA

Yassi at Nadine
Yassi at Nadine
SI Direk Dan Villegas ang dinumog ng press peopla sa presscon ng pelikula niyang Changing Partners para tanungin tungkol sa blog post ng kanyang kasintahang si Direk Antoinette Jadaone, kung ano ang kanyang reaksiyon.

Tungkol iyon sa delayed nang shooting ng project ng lady director na pinagbibidahan ninaJames Reid at Nadine Lustre.

“Sabi ko kay Tonet, ‘Sana ‘di mo ‘pinost,” simulang sabi ni Direk Dan. “Eh, ganyan napi-feel mo, eh, okay lang.’ Siyempre din, imagine n’yo din ‘yung pressure for a director, eh.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Mahirap bang tanggapin para sa isang direktor ang mga idinadahilang pagkakasakit o pagkakalasing ng kanilang mga artista?

“Depende kasi sa konteksto, eh,” sagot ni Direk Dan. “Hindi naman sa artista, halimbawa, kung gusto mo mag-enjoy the night before, the next day work ka, pero kaya mo dalhin, who am I to judge you?”

(Editor’s note: Nailathala na namin ang kabuuan ng interbyung ito last week.)

Sa isang hiwalay na panayam kay Yassi Pressman na kilalang malapit na kaibigan ni Nadine, tinanong ang aktres kung ano ba talaga ang estado ng karamdaman ni Nadine? Hindi na nga raw nakakapag-report sa It’s Showtime as co-host, nagiging pabaya pa sa shooting ng kanyang mga pelikula.

Naitananong din kay Yassi kung nababalitaan niya ang pinagdaraanan ng kaibigan sa ngayon. Kung totoo nga bang may dinaramdam ito kaya.

“Nakita ko nga yesterday,” sagot ni Yassi. “Nakumusta ko na. She said she’s going to get better, ‘yun lang. I don’t want to speak more. Wala ako sa place to answer that. Sorry.”

Hiningan din si Yassi ng komento sa nagiging hot topic nang mga delay sa trabaho sa set dahil sa pabayang artista. Aniya, gusto niyang magkaroon ng mas pragmatic na approach at pag-alam sa tunay na dahilan bago sisihin ang sinuman.

“Siguro hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Marami ring times na either may technical difficulty or merong either wardrobe malfunction, it depends. It might be fair to consider everything else that happens sa shoot,” sabi ng aktres.

Ibinahagi rin ng 22 year-old actress ang kanyang sekreto para manatiling nakaapak ang mga paa sa lupa.

“I always remind myself kung saan ako galing, kung ano’ng gusto kong puntahan, and that doesn’t mean you have to change who you are. One thing para sa akin ang pinaka-sincere na maibibigay mo ‘yung sarili mo, kung sino ka talaga and if you want to share yourself with everyone, it’s better to share the real you,” pagtatapos ni Yassi.