PINAGHARIAN ni Filipino Fide Master Nelson Villanueva ang katatapos na Faris Petra International Open Rapid Chess Championships nitong Sabado sa Pengkalan Chepa, Kelantan, Malaysia.

Nakakolekta si Villanueva ng siyam na puntos para makopo ang titulo sa nine-round tournament.

Kabilang sa mga tinalo niya ay sina Irfan Syahmi Mohd Pin, Nurhidayah Irsalina Mohd Jaya,Wan Aimullah Mohd Azruddin, Che Wan Aminu En Wan Kamaruddin, Wan Mohd Azmie Wan Abd Rahim, Muhd Zuhair Jumaat, WCM Fong Mi Yen Nor Azmi Mohd Nor at Syed Azizi Abdul Rahman ng Malaysia, ayon sa pagkakasunod.

Samantala natupad ang matagal nang kahilingan na magkaroon ng laptop si Al Basher “Basty” Jumangit-Buto, ang eight-year-old Maranaw kid na tubong Marawi City sa pamamagitan ni Rep. Abraham “Bambol” Ng-Tolentino, ang incumbent secretary-general ng World Chess Federation (FIDE) at secretary-general din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Natanggap na ni Buto ang kanyang regalong laptop para mahasa ang kanyang chess skills nitong Biyernes sa Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines New Plaridel Masonic Temple sa San Marcelino St., Maynila. - Gilbert Espeña