Binalaan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang mga tricycle driver na magtataas ng pasahe upang samantalahin ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Nakarating na umano sa kaalaman ng alkalde na may mga tricycle driver sa lungsod ang nagtaas ng singil sa pasahe, nang walang pahintulot ng Konseho.

Kasabay nito, inatasan ng alkalde ang Tricycle and Pedicab Regulatory Service (TPRS) na bantayan ang sinumang magdadagdag ng pamasahe at isumbong kaagad upang maaksiyunan.

Sinabi naman ni TPRS officer-in-charge Wewel De Leon, na kailangan munang ma-repeal ng City Council ang ordinansa sa umiiral na fare matrix bago magtaas ng pasahe ang mga tricycle sa siyudad.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kaugnay nito, nagreklamo sa Balita ang ilang pasahero na ang dating P50 na pasahe para sa special trip ay sinisingil na ngayon ng P60 ng ilang tricycle driver.

“In case of such complaints po, ina-advice natin ang riding public na take note of the plate numbers, body numbers, TODA, color of sidecar, at agad pong pupuntahan ng mga enforcers natin upang dalhin sa impounding area for legal procedures,” ani De Leon. - Orly L. Barcala