Ni Martin A. Sadongdong

May kabuuang 1,418 tauhan ng pulisya, fire, at medical emergency service ang ipinakalat sa Ati-Atihan Ferstival sa Kalibo, Aklan kahapon, upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa taunang kapistahan.

Inihayag ni Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, regional director ng Western Visayas Police Regional Office (PRO-6), na ang pagpapadala ng mga tauhan mula sa Site Task Group (STG) sa Ati-Atihan Festival ay bahagi ng kanilang pangunahing event security framework upang siguraduhin na magiging ligtas ang pagdiriwang ng tinaguriang "Mother of all Philippine festivals".

Sinabi ni Binag na kabilang sa mga nagbantay sa pagdiriwang ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), local government units, at iba pang stakeholders.
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito