Nilinaw kahapon ng Department of Health (DoH) na hindi pa ligtas ang French pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur sa isyu ng Dengvaxia kahit pa isinauli na nito ang P1.161 bilyon na ibinayad ng pamahalaan para sa mga hindi nagamit na bakuna sa dengue.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pag-aaralan pa rin nila kung mayroong mga impormasyon na itinago ang Sanofi tungkol sa immunization program ng nakalipas na administrasyon.

Nilinaw ng Sanofi na ang desisyon nilang ibalik ang mahigit P1B sa gobyerno ng Pilipinas ay walang kinalaman sa isyu ng kaligtasan o kalidad ng Dengvaxia. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji