TRUJILLO, Peru (AP,AFP) – Kinondena ni Pope Francis ang femicides at iba pang krimen batay sa kasarian sa Latin America na isa sa pinakabayolenteng lugar sa mundo para sa kababaihan, at nanawagan ng batas para protektahan sila at bagong cultural mindset sa pagbisita niya sa isa sa pinakamapanganib na lugar sa Peru.

Sa Marian prayer sa northern seaside city ng Trujillo nitong Sabado, tinawag ni Francis ang bawat babae, ina at lola na guiding force ng mga pamilya. Gayunman, sinabi niya na sa America sila ay madalas na nagiging biktima ng pamamaslang at “many situations of violence that are kept quiet behind so many walls.’’

Nanawagan ang unang Latin American pope sa mga mambabatas na protektahan ang kababaihan at baguhin ang kultura ``that repudiates every form of violence.’’

Ginamit ni Francis ang terminong femicide – ang pagpatay sa kababaihan dahil lamang sa kanilang kasarian – para tuligsain ang “machismo” culture sa Latin America.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“I wish to invite you to combat a plague across our Latin American region: the numerous cases of violent crimes against women, from beatings to rape to murder,” sabi ng nagbibisitang papa sa libu-libong nagtipon sa main colonial-era square ng Trujillo. Sa Peruvian Amazon nitong Biyernes, kinondena ni Francis ang forced prostitution at trafficking ng kababaihan sa lugar, sinabi na nasasaktan siya na ang kababaihan ay “devalued, denigrated and exposed to endless violence.”