Ni NORA CALDERON

Maine Mendoza
Maine Mendoza
NASA Toronto, Canada si Maine Mendoza para sa trabaho sa Mac Cosmetics na kumuha sa kanya maging influencer, kasama ang iba’t iba pang influencers mula sa iba’t ibang bansa.

Nag-post si Maine sa Instagram ng: “So happy to let you guys know that I am creating my own lipstick with @maccosemetics! Feels surreal to be chosen as one of the influencers and to be the first Filipina to have a lipstick collab with MAC (Thanks so much, @maccosmeticsph!) Creating your own lipstick from scratch is tricky but I am so glad I was able to achieve the colour I wanted. I am sure you guys are gonna love it!!! Can’t wait for it to be launched! Yaaay!”

Kasama sa maraming nag-comment sa post si Maxene Magalona ng, “OMG LODI!!! Congratulations!!!”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero mukhang may ilang hindi natutuwa sa malaking oportunidad na dumating kay Maine dahil may mga nangba-bash pa rin sa kanya. Isa sa mga dinudumog ngayon ng AlDub Nation si @missfalafox na nagsabing magkaiba raw ang endorser at influencer. Ang endorser daw ay may posters, TVCs, extensive and expensive ad campaigns. Ang influencer ay hanggang promotional events, online posts and HTs lang. 

Minaliit din niya ang ibang endorsers tulad ni Blac Chyna na former stripper/baby momma ni Rob Kardashian. Magyabang daw ang fans kung Lancome ang kumuha kay Maine at endorser talaga kahanay nina Julia Roberts.

Sinagot tuloy siya ng fans ni Maine na siguro ay hindi niya afford ang price ng Mac which is under Estee Lauder. Siguro raw ang kaya lang niyang bilhin ay ang cosmetics na mataas ang lead content. May nag-comment din na “kung ang glorified promo girl is being paid worth millions then why not. I’m really so proud that a true blooded Pinay is chosen by MAC.”

May nag-comment namang PR practitioner daw siya ng, “Yes, magkaiba ang endorser at influencer but nowadays its huge impact to get an influencers, esp for international brand because they need to market their brand to different countries using their most influential personality of that country.”

Comment naman ng iba, bakit ba inggit na inggit at bitter kay Maine ang ibang tao kaya hindi natutuwa sa accomplishment niya? May nagsabi pang bibigyan siya ng lipstick ni Maine kapag lumabas na ito.

Dugtong pa ng ADN, kung iyong daw favorite scent ni Maine na napakamahal kahit daw hindi siya endorser ay nabili nila, bakit hindi ang brand at color ng lipstick na si Maine mismo ang gumawa? 

Ending, blocked ng lahat ang account ni missfalafox.