One week lang ang hininging bakasyon ni Kris sa production. Bakit hindi niya i-extend ang pahinga niya?
“Okey na po ‘yon, magastos kung mag-i-extend pa ako,” natatawang sagot ni Kris. “Tama na ‘yong makita ko mga places doon na gusto kong makita at i-enjoy ang snow.”
Ngumiti lang si Kris nang tanungin namin kung sino ang kasama niyang magbabakasyon. Alam na raw namin kung sino.
Hindi na niya inililihim na may businessman boyfriend siya, pero wala pa silang balak magpakasal although napag-uusapan na nila ito.
Marami pa raw kasi siyang gustong ma-accomplish bago siya magpakasal.
“Pagkatapos nitong Impostora, haharapin ko na po muna ang food business ko,” sabi ng dalaga. “Meron po namang nag-aasikaso pero gusto ko ring tingnan pa kung ano ang dapat kong baguhin o idagdag sa food park ko.”
Baka puro negosyo na lang ang iniisip niya, hindi ba siya naiinggit sa kaibigan niyang si Aljur Abrenica na may anak na ngayon? (SiAlas Joaquin, kay Kylie Padilla.)
“Hindi po p’wede akong magbuntis hanggang hindi tapos ang contract ko sa GMA. Nasa clause po iyon ng contract ko. Saka bata pa naman ako. Gusto ko munang gumawa pa ulit ng isang show na bida-kontrabida pa rin ako at gusto ko sa afternoon prime pa rin dahil less stress dito.”
Habang papalapit ang pagtatapos ng Impostora, lalong tumitindi ang mahihirap na eksena ni Kris. Preggy siya sa istorya sa anak nila ni Homer, pero nanggugulo pa rin si Rosette na gusto pa ring maangkin si Homer at ang kayamanan nito.
Pero medyo nakaka-relax na raw siya kapag ang mga eksena ay si Rosette dahil sa ilalim ng maskara ay ginagampanan na ni Sheena Halili. Napapanood sila araw-araw pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. --Nora Calderon