Chris Ross at coach Yeng Guiao (Peter Baltazar photo)
Chris Ross at coach Yeng Guiao (Peter Baltazar photo)

Ni ERNEST HERNANDEZ

LABIS ang aksiyong nasaksihan ng madlang pipol sa duwelo nang San Miguel Beermen at NLEX Road Warriors nitong Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Mistulang ‘basket-brawl’ ang kaganapan na nauwi sa palitan nang maaanghang na pananalita sa pagitan nina Beermen star Chris Ross at multi-titled coach Yeng Guiao.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

At ang ugat ng hidwaan umano ay pagiging ‘racist’ ng dating Pampanga Governor.

“According to Chris, tinawag siyang n****. That’s what he explained to me,” pahayag ni SMB head coach Leo Austria.

“I’m confronting Chris Ross because he’s one important player on my team - especially in the endgame. But that’s the word that he doesn’t want to hear from people,” aniya. “Nag-flare up yung bata, so I cannot blame him.”

Pinilit ni Austria na pakalmahin si Ross upang hindi masira ang laro. Babad sa laro si Ross, ngunit umiskor lamang ng apat na puntos, walong rebounds, at pitong assists.

“Fortunately, we were leading by 12 points with 1:30 left—already a won game for us, but I hope this thing is a lesson for any player - especially the key players in the endgame,” pahayag ni Austria. “We cannot afford to lose players kasi imagine, na-thrown out siya. Eh kung close game ito?”

Itinanggi naman ni Guiao ang mga lumutang na dahilan ng gusot.

“Andoon siya sa tapat namin. Daldal siya nang daldal. Sa akin naman, pagnagkaganoon, siguro respeto na lang. Lumayo ka na lang,” pahayag ni Guiao.

“Tutal, mananalo naman kayo. I just felt that I didn’t understand what he was saying and talking about. Nakipag-trash talking din ako sa kanya, pero wala naman yun,” aniya. “Eh ako lang ang nakatayo doon. Di ko alam kung sa akin or doon sa bench namin. But he was right in front of our bench. The game was a foregone conclusion at that time, so manahimik ka na lang.”

Mariing itinaggi ni Guaio ang naging pahayag ni Ross.

“Hindi ko sinabi ang ‘N-word’. Ewan ko kung may nakarinig doon. Anong na-offend siya?,” ayon kay Guiao.

Ngunit, walang gatol na inamin ni Guiao na senenyasan niya ng ‘ngarat’ ang Fil-Am star.

“Kasama na rin yun, pero it’s part of the psychological warfare. Malakas din siyang mang-asar, di lang sa amin. Every time naman na merong ganoong skirmishes, we also know what he’s capable of,” aniya.