Ni Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac – Sugatan ang limang katao sa karambola ng tatlong behikulo sa highway ng Barangay Nambalan, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Miyerkules ng hapon.

Isinugod sa ospital sina Marlon Lazo, 34, may asawa, driver ng Euro motorcycle; Juvelyn Dupitas, 15, kapwa taga-Bgy. Baldios, Santa Ignacia; Edgar Pascual, 38, may asawa, driver ng Honda TMX 155 tricycle (ZT-8468), pasaherong si Noemi Pascual, 33, guro, ng Mayantoc; at Xhanaky Rhiz Pascual, isang taong gulang, ng Bgy. Ambalinget, Mayantoc, Tarlac.

Sangkot din sa karambola ang Toyota Innova na minamaneho naman ni Francisco Arciaga, Jr., 67, ng Bgy. Poblacion A, Camiling, Tarlac.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Dakong 4:50 ng hapon at pahilaga ang Toyota Innova (AET-879), na minamaneho ni Francisco Arciaga, Jr., 67, may asawa, ng Bgy. Poblacion A, Camiling, nang nag-menor ito sa lubak at aksidenteng mabundol sa likuran ng kasunod na tricycle, na ikinadamay din ng kasalubong na motorsiklo.