HANDA na ang lahat sa pagtulak ng 4th Red Kings Year-Opener Chess Individual Tournament sa Enero 28, 2018 na gaganapin sa Tiendesitas Mall, Ortigas Avenue, Pasig City.

Ayon kay tournament organizer FIDE Master “Elo” Mariano III, ang mga manlalaro ay magtutuos sa Open section at under-12 kiddies categories. Ang magkakampeon sa Open section ay tatangap ng P5,000 plus trophy habang ang second at third placers ay tatangap ng P3,000 at P2,000, plus trophies, ayon sa pagkakasunod.

May P1,000 naman para sa fourth hanggang fifth placers, habang tig P500 naman sa 6th hanggang 10th placers.

May special prizes din na nakalaan na tig P500 sa magwawagi bilang top College, top 2100, top 2000, top 14-years-old and below at top females sa nasabing event.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Ang mananalo naman sa Under-12 kiddies categories ay tatangap ng champion purse P2,500 plus trophy. Habang ang second hanggang third placers ay tig P1,500, P1,000, ayon sa pagkakasunod plus trophies.

Ang tournament registration fee ay P250 para sa kiddies (12-years-old & below) at sa Open ay P350.

“All participants must present valid identification card (government issued ID, school ID) while in the kiddies division, students must present schoold ID and bring their birth certificate.” sabi ng organizing committee. - Gilbert Espeña