Ni Nitz Miralles

ISANG magandang message para sa leading man niyang si Rafael Rosell ang nabasa naming ipinost ni Kris Bernal sa Instagram. Sinabi ni Kris ang nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ng Impostora.

RAFAEL AT KRIS copy copy

“Ikaw na naman, @rafrosell. But, honestly, as much as I hate it, all good things must come to an end. #Impostora ends in Feb. For sure, sepanx na naman ako sa co-actors ko. And, I’m gonna miss this person the most. Can I say that by far you’re my favorite onscreen partner? I hope to have the opportunity to work with you again in the future. Sana comedy naman para chill lang tayo.”

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Sa February 4 na ang airing ng final episode ng Impostora na aabot sa 32 weeks ang itinakbo. Karamihan sa taping days, si Rafael ang kasama ni Kris, kaya hindi naiwasang naging close silang dalawa. Hangang-hanga si Kris kay Rafael at puro papuri ang sinasabi niya.

“Masarap siyang kausap, malalim na tao. Ang dami kong natutunan sa kanya about life, about humanity, his beliefs.

Sobrang talino, hindi boring at ang guwapo po. Sayang may girlfriend na,“ pabirong wika ni Kris.

Mami-miss din ni Kris ang mga karakter niyang sina Rosette at Nimfa, lalo na si Rosette na sobrang nagpahirap sa kanya dahil sa paulit-ulit na paglalagay ng prostethics sa mukha niya.

“Mami-miss ko ang dalawa kong characters kahit sobrang hirap ang ibinigay sa akin. Na-test ang patience ko kay Rosette, pero naipakita ko naman ang pagkakaiba ng two characters.”

“Sobra ko ring mami-miss ang Impostora dahil naipakita at napatunayan kong kaya kong maging bida at kontrabida at the same time. Sa soap na ito ako nakatanggap ng magagandang feedback. Dito ako nakatanggap ng acting award at sana masundan pa ng award. Sabi kasi nila, nagagampanan ko ng maayos ang mga role na pino-portray ko, pero walang patunay, wala pa naman akong acting award, isa pa lang. ‘Yun ang goal ko at sana, ang Impostora ang makapagbigay,” pagtatapos ni Kris.