Ni NORA CALDERON

AT 19, mukha pa ring bata ang Hashtag member na si Ryle Santiago kaya siya ang pinili ni Ms. Aileen Go, vice president for marketing ng Mega Soft Hygienic Products Inc. para maging brand ambassador ng isa sa bago nilang produkto, ang Cherub baby products.

ryle ataileen copy

Bakit si Ryle, marami namang mas bata pa kaysa kanya?

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

“Nakita ko kasi sa kanya at his young age ang passion niya both as an artist and a student,” sabi ni Aileen. “Gulat ako na napagsasabay niya ang kanyang studies at ang pagiging artista. Ginagawa niya ngayon ang Asintado teleserye sa ABS-CBN, mayroon din siyang bagong musical film, ang Bakwit Boys. At naisasabay niya ang studies niya sa Meridian International College, as a freshman taking up Bachelor of Arts in Film at full scholar pa siya this semester.

“Isa kasi sa requirement namin para makuha kang endorser iyong nag-aaral ka at puwede mong i-impart sa mga students sa aming school tour na ‘Earn Ganern’ ang pagiging entrepreneur ng mga students, iyong ituloy nila kung ano ang business idea na gusto nilang gawin in the future.”

Nagpasalamat si Ryle sa Megasoft sa pagkuha as brand ambassador ng Cherub.

“I’m very happy, very thankful, at isang honor sa akin na maging part ng Megasoft family at ready po ako na i-promote ang Cherub kung saan po nila ako i-assign sa aming school tour. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi lamang para sa mga babies ang Cherub, kundi para aming lahat.”

Si Ryle ay eldest son ni Sherilyn Reyes kay Jun Jun Santiago, at nilinaw ni Ryle na he is a Santiago by birth pero a Tan by heart. Si Chris Tan, husband ni Sherilyn, ang nakagisnan niyang ama at nagpalaki sa kanya. Hindi nga ipinagkaila ni Ryle na kahit 19 na siya, kasama pa rin siyang natutulog ng younger brother at younger sister niya sa room ng kanilang parents.

Proud din si Ryle na hindi stage parents sina Chris at Sherilyn, hindi sila nakikialam sa trabaho at studies niya, pero kung kailangan ni Ryle si Chris ay lagi itong naroon at hinihintay ang anak lalo na kung ginagabi sa work.

Ayon pa kay Aileen, hinihintay lang nila ang approval ng schedule ni Ryle para sa kanilang 2018 Megasoft School is Cool Tour sa iba’t ibang lugar sa bansa.

For more info, please like Cherub Baby Care sa Facebook, follow Megasoft­_ph sa Twitter at Instagram. Log on sa www.megasoft.com.ph.