Ni Marivic Awitan

Maga laro ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 n.h. – TNT Katropa vs Blackwater

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

6:45 n.g. -- Alaska vs Ginebra

Greg Slaughter (PBA Images)
Greg Slaughter (PBA Images)
MADUGTUNGAN ang naitalang huling panalo ang tatangkain ng TNT Katropa at Alaska habang makabalik naman ng winning track ang hangad ng Blackwater at Barangay Ginebra sa dalawang magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Magtutunggali sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon ang TNT at Blackwater habang magsasalpukan sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi ang Aces at ang Kings.

Matapos ipanalo ang unang dalawang laro, nasilat ng Blackwater Elite ang Kings sa ikatlo nitong laro na nagbaba sa kanila sa ikatlong puwesto hawak ang markang 2-1.

Hindi naman napanindigan ng Elite ang naiposteng upset kontra Kings dahil sa sumunod nilang laro noong nakaraang Biyernes ay tinambakan naman sila ng Globalport, 101-76.

Nasa ikalimang puwesto kahapon habang sinusulat ang balitang ito ang Blackwater kasalo ng NLEX taglay ang barahang 2-3,kasunod ng TNT at Alaska na nasa 5-way tie sa ika-apat na puwesto hawak ang patas na kartadang 2-2 kasama ng Phoenix at Rain or Shine na kapwa naman may laban kahapon sa Cuneta Astrodome.

Muling sasandigan ni coach Nash Racela para sa target na pagsisimulang makapagtala ulit ng winning streak sina Roger Pogoy, Jason Castro, Troy Rosario at Kelly Williams na kinailangan pang sumakay ng “Angkas “ para makaabot sa nakaraang laban.

Sa kabilang dako, magsisikap namang ibangon ang Elite at ibalik sa winning track ang mga dating kakampi ni Pogoy at manlalaro naman ni Racela sa Far Eastern University na sina Mac Belo at Reymar Jose kabalikat sina Poy Erram at Mike Di Gregorio.