Ni Gilbert Espeña

NILALAKAD ni Top Rank big boss Bob Arum na magkaroon ng catch weight na 140 pounds upang matuloy ang tiniyak na papatok na sagupaan nina eight-division world champion Manny Pacquiao ng Pilipinas at WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine.

220px-Sarangani_Lone_District_Representative_Manny_Pacquiao_(cropped) copy

Nagpahayag ng interes si Pacquiao na makalaban si Lomachenko at nagsimula na ang negosasyon ni Arum sa kampo ni Lomachenko bagamat tutol ang manedyer ng Ukrainian na si Egis Klimas sa sagupaan dahil lumalaban si Pacquiao sa welterweight division (147 pounds) samantalang aakyat pa lamang ang boksingero nito sa 135 o lightweight division.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ngunit, kilala ng boxing fans kung paano kumilos si Arum na nakikipag-usap na sa ama ni Lomachenko na si Anatoly at kapag pumayag ito sa catch weight na 140 pounds ay tiyak na matutuloy ang klasikong sagupaan.

“Lomachenko will be having a fight that will probably be at 135 at the end of April,” sabi ni Arum sa Las Vegas Review Journal. “Lomachenko’s father (Anatoly) would then need to give him permission to fight Manny at 140 pounds in the fall, and that’s a fight we’ll hopefully might want to put in Las Vegas if a building is available.”

May rekord si Pacquiao na 59-7-2 win-loss-draw na may 37 pagwawagi sa knockouts samantalang may kartada si Lomachenko na 10 panalo at 1 talo kay dating WBO featherweight champion Orlando Salido ng Mexico.