Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

9:30 n.u. -- JRU vs Perpetual Help (m)

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

11:00 n.u. -- JRU vs Perpetual Help (w)

12:30 n.t. -- Lyceum vs Arellano (w)

2:00 n.h. -- Lyceum vs Arellano (m)

3:30 n.h. -- Lyceum vs Arellano (j)

MAKABALIK sa solong pamumuno ang pupuntiryahin ng reigning women’s champion Arellano sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Gaya ng kanilang men’s team, sisikapin din ng Arellano Chiefs na makopo ang panglimang dikit na panalo upang manatili sa kanilang pamumuno.

Makakatunggali ng Lady Chiefs ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates sa huling women’s match ganap na 12:30 ng hapon habang makakasagupa naman ng Chiefs ang Pirates ganap na 2:00 ng hapon.

Kasalukuyang kasalo ng Lady Chiefs sa liderato ng women’s division ang San Beda College Lady Red Spikers habang katabla naman ng Chiefs sa pamumuno sa men’s division ang University of Perpetual Help Altas.

Sisikapin naman ng Lyceum Lady Pirates gayundin ng Pirates na umangat mula sa parehas na kinalalagyang panlimang posisyon sa standings hawak ang magkahalintulad na markang 1-3.

Mauuna rito, hangad din ng men’s co -leader University of Perpetual Help na maging matatag sa pangingibabaw ng men’s division sa pagsagupa nila sa Jose Rizal University sa unang laban ganap na 9:30 ng umaga.

Kasunod nito tatangkain mama ng Perpetual Lady Altas na manatiling nasa ikalawang puwesto sa pag-asinta ng pang -apat nilang panalo sa pagtutuos nila ng Lady Bombers ganap na 11:00 ng umaga.

Magtatangka ang Lady Altas ni coach Macky Cariño na madugtungan ang naitalang 5-sets win nila kontra Emilie Aguinaldo College Lady Generals habang magkukumahog namang bumawi ang Lady Bombers sa nakaraang kabiguan sa Arellano na nagbaba sa kanila sa patas na markang 2-2, panalo -talo kapantay ng San Sebastian College, Letran at College of St. Benilde.