Janella at Heaven ) copy

UMPISA na ng pagsasanib-puwersa ng kambal na sina Daisy (Heaven Peralejo) at Jasmin (Janella Salvador) upang mailigtas ang kanilang ina mula sa sumpa ngayong nakatakda nang ipagtapat ng huli na sila ay magkapatid sa huling dalawang linggo ng Wansapanataym Presents Jasmin’s Flower Powers.

Pagkatapos ng tangkang pagnanakaw ni Daisy sa flora majika ng kakambal, hindi na mapipigilan ni Jasmin na itago ang katotohanan at aaminin na magkapatid silang dalawa. Magiging dahilan naman ito para lubos na lumambot ang puso ni Daisy at hindi magdadalawang-isip na tulungan si Jasmin sa misyon nitong mapakawalan ang ina mula sa sumpa.

Ngunit para magawa ito, kailangan munang magkaroon ng busilak na puso ni Daisy at muling mapaputi ang flora majika, kaya magkasamang gagawa ng kabutihan sa kapwa ang dalawa na lalong magpapatibay sa kanilang samahan at magpapakita sa unti-unting pagbabago ni Daisy.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Pero habang nagtutulungan na ang magkapatid, biglang manghihimasok ang tiyahin ni Daisy na si Florita (Rufa Mae Quinto) at ipaparamdam sa pamangkin ang kamasalang dinadala nito sa buhay nila. Maaapektuhan nang husto si Daisy na magbubunsod ng inggit at poot sa puso sa kakambal dahil sa namamasdang matiwasay na buhay nito, na magbabadya ng pagkasira ng kanilang misyon.

Abangan kung matatapos pa nina Jasmin at Daisy ang misyon at kung magkaroon pa sila ng panahon na mailigtas ang kanilang ina.

Huwag palampasin ang kuwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents Jasmin’s Flower Power ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).