Ni Annie Abad
MAGTANIM ng magandang binhi at anihin ang produkto nito ang siyang nasa isip ng World Class athletic coach na si Dan Pfaff upang makahubog ng mga dekalidad na coach para sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Si Pfaff na nagmula pa sa World Athletics Center sa Arizona USA ang siyang sandigan ngayon ng 50 national coach ng PATAFA upang matulungan ang mga ito lalo na sa kanilang paghahanda para sa mga international events gaya ng Asian Games ngayong Agosto sa Indonesia.
“The goal is to give the coaches and athletes usable information that they can apply right away,” pahayag ni 64-anyos na si Pfaff na siya ring naging mentor ng British athlete na si Greg Rutherford, ang 2012 London Olympics long jump gold medalist at 50 pang Olympians. “We’re planting the seeds to grow crops to continue to be the resource,” dagdag pa ni Pfaff.
Nais din umano ng nasabing mentor na ikundisyon ang mga coahces sa kanilang dalawang linggong seminar sa pamamagitan ng kanilang psychological, nutrition at biomechanics, pati na ang kanilang moral behavior at sport medicine.
Naniniwala naman si PATAFA president Dr. Philip Ella Juico na saktong saktong si said Pfaff upang turuan ang mga coaches at mga atleta na siyang mag huhubog sa mga ito upang maging handa sa pagsabak sa mga international competitions.
“His (Pfaff) reputation precedes him. We believe he’s most appropriate to prepare us for 2018 Asian Games and we’re looking beyond immediate terms and beyond the Asian Games,” ayon kay Juico
“We have our list of athletes for the Asian Games but there are a lot of filtering points before the Asian Games. Our athletes have started training since October and they should maintain their good performance to retain their slot in the team.”