Ni PNA
GAGANAPIN ang 2018 FIBA 3x3 World Cup sa Hunyo 8-12 sa 55,000-seater Philippine Arena isa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios, napagkasunduan ng Board na ilagay ang histing sa Arena upang mas maraming kababayan ang makapanood ng live sa torneo na kabilang na rin sa 2020 sports calendar ng Tokyo Olympics.
“We evaluated it,” sambit ni Barrios.
“The truth is FIBA encouraged us to try the Philippine Arena even for the 2023 hosting,” aniya.
Iginiit din ni Barrios ang planong babaab ang presyo ng tiket upang mas marami ang makapanood.
“Pinag-uusapan pa namin how to make it very easy for the fans to come in,” pahayag ni Barrios.
Bukod sa libreng shuttle para sa mga nagnanais manood, hihingin nila ang tulong si Senator Joel Villanueva, na isang taga-Bulacan, na mahikayat ang mga kababayan natin sa lalawigan na sumuporta sa hosting.
“Senator Joel will cater to the nearby communities,” sambit ni Barrios.
Bilang kampeon sa nakalipas na taon, awtomatikong kabilang ang Serbia (men’s division) at Russia (women’s division) sa kalahok na darating sa bansa.