Ni Martin A. Sadongdong

Pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dalawang Indonesian na bihag nito noong Biyernes ng gabi, iniulat ng militar kahapon.

Dinala ng isang concerned citizen ang pinalayang sina La Utu bin La Raali at La Hadi La Edi, kapwa Indonesian, sa bahay ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan, Sr. sa Barangay Asturias, Jolo, ayon sa militar.

Sinabi ng militar na pinalaya ang dalawa bandang 7:30 ng gabi, habang sinundo naman ang mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang mga dayuhan mula sa bahay ng gobernador makaraang itawag ng huli.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nobyembre 5, 2016 nang dukutin ng Abu Sayyaf sa pagitan ng Pegasus Reef at Kuala Kinabatangan malapit sa Taganak Island sa Tawi-Tawi sina La Utu bin La Raali, boat captain ng Ching kai Ling Company fishing vessel SSK 00520; at La Hadi La Edi, boat captain ng bangkang pangisda na SN 1154.

“Medical examination were made and custodial debriefing is on-going at Camp Teodolfo Bautista, Bus Bus, Jolo, Sulu,” anang militar.

Nabatid na nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa embahada ng Indonesia at sa Consulate-General ng Republic of Indonesia sa Davao para sa pag-uwi ng mga pinalayang bihag kapag na-clear na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga ito.