Ni Annie Abad

PINAGTIBAY ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang tambalan ng Philippine Sports Commission (PSC) at City Governement ng Sorsogon para sa ilalargang PSC-Pacman Cup sa lalawigan.

Nilagdaan nina PSC chairman William “Butch” Ramirez at Sorsogon Governor Robert “Bobet” Rodrigueza ang MOA kamakalawa.

Ayon kay Ramirez, isang malaking karangalan para sa PSC ang nasabing partnership gayung isa ang Sorsogon sa humuhubog sa husay ng mga kabataan sa iba’t ibang larangan ng sports.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Isang malaking karangalan para sa PSC na dumating si Gov. Rodrigueza, togeher with his beautiful wife and of course napakalaking karangalan din na maging venue ang Sorsogon para sa PSC-Pacquiao event. Ang lalawigan ng Sorsogon po ay isa sa mga tumutulong sa atin sa sports na palakasin ang grassroots sports program para makakuha tayo ng mga potential athletes,” pahayag ni Ramirez.

Ibinida naman ng 45-anyos na Gobernador ng Sorsogon ang kanilang mga proyektong pang-isports sa lalawigan at ikinasiya niya ang pagtatanghal ng nasabing event sa kanyang balwarte.

“Matagal na panahon na po akong mahilig sa sports hindi lang sa boxing. May mga programa po sa lalawigan namin na talagang naka focus sa youth on sports program, gaya po ng taekwondo, badminton, baseball, softball. And I am proud to say that we have drug free Barangays in Bicol region. Para po ito sa future ng mga kabataan,” kuwento ni Rodrigueza.

“Kung matatandaan po ninyo, sa aming lalawigan din po galing si Michael Farenas ng boxing at ngayon po ay successful na po siya sa United States,” dagdag pa ng Gobernador.

Nagsimulang sumabak ang mga kabataang boksingero para sa PSC-Pacquiao Cup noong Disyembre 16-17 ng nakaraang taon sa General Santos City. Ang kasunod na laban na gaganapin sa Sorsogon ay sa Enero 27-28.