Marc Pingris at Michael Miranda (PBA Images)
Marc Pingris at Michael Miranda (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

3:00 n.h. – ROS vs KIA

5:15 n.h. -- Magnolia vs Phoenix

MANATILING matatag sa kanilang pagkakaagapay sa liderato ang tatangkain ng Magnolia Hotshots sa pagsabak nila ngayong hapon kontra Phoenix sa tampok na laro ng nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Magtutuos ang Pambansang Manok at ang Fuel Masters ganap na 5:15 ng hapon pagkatapos ng unang laro kung saan magtatapat ang Rain or Shine at ang winless pa ring Kia Picanto ganap na 3:00 ng hapon.

Mula sa kabiguan laban sa kamay ng Barangay Ginebra noong araw ng Pasko sa Philippine Arena, binuksan ng Magnolia ang taong 2018 sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo, pinakahuli kontra NLEX noong nakaraang Linggo -Enero 14 sa iskor na 105-94.

“Total team effort “ o sa madaling salita ay teamwork para kay Magnolia coach Chito Victolero ang susi sa maganda nilang simula sa taong ito na inaasahan niyang maipagpapatuloy ng kanyang koponan para manatiling Nakaagapay sa pangingibabaw na kinaluluklukan nila ngayon taglay ang markang 3-1, kasunod ng namumunong San Miguel Beer (3-0) na nakatakda sumabak kahapon habang isinasara ang pahinang ito kontra Road Warriors.

Sa kabilang dako, nasa 6-way tie kahapon sa 4th hanggang 9th spot taglay ang patas na markang 2-2, panalo -talo kasama ng Elasto Painters, Alaska Aces, TNT Katropa at ng mga may larong koponan kahapon na NLEX, at Blackwater Elite, tatangkain ng Fuel Masters na makabangon sa nakaraang kabiguan na nalasap sa kamay ng ROS (92-120) noong Miyerkules.