Cleveland Cavaliers' Kevin Love (0) drives past Orlando Magic's Jonathon Simmons (17). The Cavaliers won 104-103. (AP Photo/Tony Dejak)

BOSTON (AP) — Ipinagdiwang ni Joel Embiid ang pagkakapili sa NBA All-Star sa unang pagkakataon sa nakubrang 26 puntos at career-high 16 rebounds para sandigan ang Philadelphia 76ers sa 89-80 panalo kontra Boston Celtics nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag si Dario Saric ng 16 puntos para sa Philadelphia, nagwagi sa ikaanim na pagkakataon sa huling pitong laro at tuldukan ang three-game losing streak laban sa Boston. Kumuba si T.J. McConnell ng 15 puntos.

Sumabak ang Boston na wala si All-Star guard Kyrie Irving, ipinahinga ang namamagang kaliwang balikat. Kumana sina Al Horford at Marcus Morris ng tig-14 puntos. Natamo ng Celtics ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang walong sunod na panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

CAVS 104, MAGIC 103

Sa Cleveland, naisalpak ni Isaiah Thomas ang free throws sa krusyal na sandali para maisalba ang Cavaliers laban sa Orlando Magic at tuldukan ang four-game losing skid.

Tangan ng Cavs ang 60-43 bentahe sa second quarter, ngunit nahabol ito ng Magic sa third period bago tuluyaang naagaw ang kalamangan sa 103-102 mula sa jumper ni Shelvin Mack may 31 segundo sa laro.

Mula sa mintis na dunk ni Kevin Love, nakuha ni Thomas ang offensive board at nakakuha ng foul kay Mack. Matapos maisalpak ang dalawang free throw, mabilis na rumatsada ang Magic, ngunit naisablay ni Elfrid Payton ang layup may tatlong segundo ang nalalabi. Binawi ng referee ang naturang opensa bunsod nang aksidenteng pagpito ng referee.

Nagsagawa ng jump ball sa midcourt.

Mula sa tapikan ng bola , nakuha ni Magic forward Aaron Gordon ang bola na agad na itinira at naibuslo, subalit ang inakalang game-winning 45-footer ay kinansela ng referee.

Nanguna si Thomas na may 21 puntos, habang tumipa si LeBron James ng 16 puntos para sa Cavs (27-17). Nag-ambag din sia ng double-double na 12 puntos at 11 rebounds.

Hataw si Payton sa Magic (13-32) na may 19 puntos, habang tumipai sina Gordon at Evan Fournier ng tig-17 puntos.

AFFLALO, SINUSPINDE NG NBA

Sa New York, sinuspinde ng NBA si Orlando forward Aaron Afflalo ng dalawang laro na walang bayad bunsod nang pananakit kay Minnesota’s Nemanja Bjelica.

Binigwasan ni Afflalo si Bjelica sa ulo nang magkainitan may 7:28 ang nalalabi sa second quarter at abante ang Magic, 108-102, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Kapwa napatalsik sa laro ang dalawa nang pilipitin ni Bjelica ang ulo ni Afflalo ngunit tanging si Afflalo ang pinatawan ng parusa nitong Huwebes (Biyernes sa Manila),ayon kay NBA president of operations Kiki VanDeWeghe.

Hindi makalalaro si Afflalo sa Orlando laban sa Cleveland sa Huwebes at Boston sa Linggo.