JAMES, NADINE, DIREK DAN AT DIREK TONETTE copy

Ni REGGEE BONOAN

KUNG dati ay dumadaan lang sa mga mata at tenga ng ilang entertainment press si Direk Dan Villegas kapag naiinterbyu sa mga presscons, iba na ang nangyari pagkatapos ng Q and A ng Changing Partners dahil napahanga niya ang entertainmend editors nang solo siyang makausap.

“Teddy bear po si Direk Dan,” sabi nga ni Vince de Jesus, ang Palanca awardee na sumulat ng movie adaptation ng musical play na Changing Partners. “Nakikita ninyong malaking tao at macho, pero napakalambot po ng puso niyan kapag may problema, puwede mo siya yakapin.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Napakamalumanay ngang makipag-usap ni Direk Dan, kahit kinukulit-kulit na namin siya tungkol sa rant sa social media ng director-girlfriend niyang si Antoinette Jadaone sa hindi pagkakatuloy ng shooting ng pelikulang Never Not To Love You nina James Reid at Nadine Lustre.

Naririto ang nagiging kontrobersiya na post ni Direk Tonette: “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh. More and more shooting days cancelled -- some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry. Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

“Siyempre, ako, direktor din,” simulang paliwanag ni Direk Dan, “kung baga nawalan na ng buwelo for whatever reason.

Kasi kami ni Tonette, ano, may diesel factor in doing a film. Sa totoo lang in first few days mo, kapaan kayo with the staff and actors, ‘tapos dadating ‘yung point na magkatinginan na lang kayo ng staff mo na alam mo na, ‘okay ito ang kailangan nating gawin’. Doon lumalabas ‘yung kuwento, doon lumalabas ‘yung brilliance ng director, actors, DOP (director of photography), lahat. Nawawala ‘tapos ang hirap hanapin ‘yung sweet spots.”

Napuno na ba si Direk Tonette kaya nasabi iyon sa blog nito?

“Well, kasi si Tonette naman very emotional person siya, ‘yun ang napi-feel niya nu’ng time na ‘yun, so ‘pinost niya, nawala ‘yung buwelo. Maybe some people over thinking it a little bit too much.”

May nagkomento na sikat kasi ang mga artista kaya nabigyan ng kahulugan ang mga post ni Direk Tonette.

Ilang beses nang na pack-up ang shooting ng pelikula ng JaDine?

“Mahina memory ko, eh, may notebook (listahan) ako niyan, hindi ko lang maalala, siguro mga 5, 6 or 7 days na,” sagot ng director/boyfriend ni Direk Tonette.

Pero klinaro ng machong direktor na hindi dahil kina James at Nadine kundi dahil na rin sa locations na hindi available, hindi tugma ang schedules ng mga artista, at itong panghuli na ang sinabing dahilan ay ang pagkakasakit nga ni Nadine.

Kaya sumagot naman ang aktres sa Instagram ng kuha sa film X-ray na resulta ng backpain simula pa noong Biyernes (Enero 12), may diarrhea at fever.

Totoo ba ang tsika na nalasing daw si James kaya hindi kinayang bumangon para mag-shoot?

“Hindi ko alam ‘yung kay James, ang alam ko si Nadine ‘yung maysakit nitong huli. Kaya, again, whatever reason kaya hindi natuloy (ang shooting),” saad pa co-producer ng Viva sa pelikula ng JaDine.

Hindi pala totoong Pebrero 14 ang playdate ng naturang JaDine movie.

“Hindi kami aabot maski na hindi na-pack up. Ang gusto ko kasi sa project na ito ay open ang playdate, ‘tapos mandate mismo ni Boss Vic (del Rosario) na you have time para mapaganda ang pelikula kasi ‘yung tono ng pelikula hindi naki-cater ng rom-com.

“Kaya naiintindihan ko si Tonette kung saan nanggagaling ang frustrations niya, mga pelikula kasi ni Tonette very flat-driven ang ano (style) niya, tulad ng Tadhana, Love You to the Stars and Back. Ito kasi simple lang ang plot, kung baga, ito lang ‘yung chance niya makapaglaro,” paliwanag ng boyfriend ng direktora.

Pero hindi pa raw sila nagkakausap ni Direk Tonette na ayaw niyang abalahin sa pagsusulat ng karagdagang script para sa pelikulang Never Not to Love You.

“Baka mamayang gabi o bukas (kahapon) ang meeting namin sa Viva, so doon ko pa lang malalaman lahat,” say ng direktor.

Tanong ng entertainment editor ng Manila Bulletin na si Jojo Panaligan, baka kulang sa professionalism sina James at Nadine kaya nakapag-post ng ganoon si Direk Tonette na halatang pissed-off na.

“Lack of professionalism, ano kasi sa akin, eh, ang hirap magsalita. Paano ko ba sasabihin,” sabay tawa. “Kasi kahit ano’ng sabihin ko dito parang talo ako. Sa akin kasi again, I will speak as a director din, nakakainis kasi kahit sinong director kapag nakabuwelo ka na.

“Fair din akong tao, ayokong isipin o nabalitang lasing si James, ia-assume ko na lasing nga siya? Kaya nga gusto kong makipag-meeting. Naka-work ko na naman sila before personally, kilala ko sila sa OTWOL (On the Wings of Love).

Kaya mag-usap tayo kung anuman ‘yung nangyari,” sagot ni Direk Dan.

Balik-tanong ni Jojo, parang ang dating ay uncontrollable na ang mga artista na hindi na pinapakinggan si Direk Tonette kaya sa blog na lang inilabas ang sama ng loob.

“Ayoko kasing magsalita. O baka naman nagpapaka-positive lang ako, ha?” napangiting sagot ni Direk Dan.

Biniro namin ng, ‘Eh, di magpakanega ka direk.’

“Worst case ‘yan, teka,” natawang sagot ni Direk Dan.

Lumaki na nga ba ang ulo ng JaDine?

“Sa lahat ng artista mayroong negative publicity kahit sabihin kong naka-work ko sila at mabait sila o naka-work ko silang artista pero hindi ko sila masyadong trip. So, it depends on the experience on the person, there’s a bad publicity for everyone. I need to direct them to know them para malaman ko kung unprofessional nga, I’m hoping sana hindi.”

Ipinaliwanag din ni Direk Dan na kung totoong may nalasing o gustong mag-enjoy ng artista, “If you want to enjoy the night before the shoot, the next day work ka at kaya mong dalhin, who am I to judge you? Pumarty ka, dumating ka on time, nag-work ka, naka-deliver ka, maski sino hindi lang sa artista, maski sa production. I don’t care about your life outside, trabaho ito at the end of the day, basta you deliver.

“And gusto ko man kayo bigyan ng (gusto) ninyong sagot, ayokong mag-judge. Ayokong pushing the wall. Sabi ko kay Tonette, ‘Sana hindi mo pinost, pero ganyan ang napi-feel mo, eh, di okay lang.’ Imagine-in ninyo rin kasi ang pressure ng direktor.”

Nagpo-post din ba siya kapag galit o depress?

“Nagpo-post ako ng videos ng mga aso, saka pictures na nakukuhanan ko, cloud form kapag nakita kong maganda, kanya-kanya kasi ‘yan, eh,” natawang sagot sa amin.

“Again, meron akong selected friends and Tonette is one of them na when I’m frustrated with something or may ginawa akong positive or negative I consult with them, I talk with them and ‘yung iba ro’n kaklase ko pa since high school and they tell me na walang bullshit. Real talk kami.”

Sa puntong ito namin itinanong ang tungkol sa resulta ng idinirihe niyang pelikulang All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na mahina sa nakaraang 2017 Metro Manila Film Festival.

“Okay naman, tama lang, hindi ko pa nakita ‘yung recent figures,” sagot sa amin.

Diretso naming tanong, minadali bang tapusin ang pelikula dahil hindi maganda ang ending.

“’Yung original ending ng All of You, nag-propose si Derek, kaya lang kasi nu’ng ini-edit namin parang... Again may nagtanong sa akin before kung paano ko tinatapos ang ending ng pelikula ko kung good ba or bad.

“Sabi ko, dina-judge ko sa characters kung paano ko ii-end. If they earned it, then it’s a good ending. Some people say nga, sabi hindi maganda ang ending ng All of You. For me kasi, nu’ng ‘binigay ko ‘yung good ending, parang hindi nila earned, parang na-feel ko kasi hindi sila bagay, so, I do agree with you na parang tama lang na tapusin na ‘yun ng ganu’n. Bahala na silang dalawa sa life nila after. Ganu’n din naman sa English Only, sumakay na lang sila ng bus sa ending, hindi naman sila nagpakasal, so ‘yun ang opinyon ko,” paliwanag ng direktor.

Kumusta ang resulta, happy ba siya na hindi napasama sa top 4?

“Box-office? Sana mas malakas, eh, ganu’n, eh. Nalungkot na ako ro’n, tapos na ako ro’n. ‘O well, inom muna tayo ng two nights, wala na tayo magagawa d’yan, pare, move on na tayo, di ba? Ganu’n talaga, eh,” kuwento ni Direk Dan sa tonong lasing.

Tiyak na babawi siya sa Changing Partners na naging blockbuster na nga sa 2017 Cinema One Originals Film Festival pero marami pa rin ang hindi nakapanood dahil limitado lang ang araw at mga sinehan sa festival, kaya ibabalik ito sa mga sinehan sa Enero 31 handog ng Star Cinema.

“Sana, sana, sana,” sagot niya saka pinagkrus ang mga kamay.

Tiyak na kikita ulit ang Changing Partners dahil sa magagandang review ng ilang nakapanood na bukod pa sa humakot ito ng awards sa Cinema One Film Festival ng Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Editing, Best Music, Champion Bughaw Award for Best Film at nakakuha rin ng Audience Award.

Musical ang Changing Partners na pinagbibidahan nina Agot Isidro, Anna Luna, Sandino Martin at Jojit Lorenzo.