Ni Francis T. Wakefield

Sugatan ang 10 bata nang biglang sumabog ang bombang pinaglalaruan nila sa Parang, Sulu, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat mula sa Philippine National Police-Police Regional Office (PNP-PRO) sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), kinilala ang mga nasugatan na sina Nur Aisha Mohammad, 9; Jamih Mohammad Jalmi, 5; Babi Hulami Palmanix 3; Julsipah Mirisah Amilita, 4; Sinta Palmatiya Bersalih, 7; Boboy Jariya Arah, 7; at Madung Janariya Alihusman, 9, pawang taga-Barangay Kanaway, Parang; Babi Kamilita Sali, 6; Sidang Hansam Aldi, 10; at Lorita Sabdani Makahati, 8, ng Bgy. Lunganguitong, Parang.

Base sa report, dakong 2:30 ng hapon at naglalaro ang mga biktima sa dalampasigan ng Bgy. Kanaway, nang matagpuan ang isang UXO (40 mm ammo) at dinala sa bakanteng kubo.

Pinaglaruan umano ito ng mga bata hanggang sumabog.

National

Iba pang lokasyon para sa mga proyekto sa ilalim ng Pax Silica, minamatahan ng Pinas—DTI