Ni REGGEE BONOAN

TINUKSU-TUKSO nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sina Gerald Anderson at Kim Chiu nang mag-guest sa Magandang Buhay kasama si Coleen Garcia kung kailan naman sila magpapakasal sa kani-kaniyang kasintahan.

GERALD AT KIM_ copy

Ngayong summer na kasi ikakasal si Coleen kay Billy Crawford at dahil nasa tamang edad na rin sina Gerald at Kim ay kinulit-kulit sila.

Human-Interest

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya

Panay tawa lang ang sagot ni Gerald lalo’t hindi pa nga naman sila pormal na umaamin ni Bea Alonzo, kaya paano nga naman niya sasagutin ang tanong?

Nagbiro naman si Kim na dapat ay kumanta lang siya nang kumanta ng Mr. Right at baka sakaling matagpuan na niya. Ibig bang sabihin ay hindi si Xian Lim ang tamang lalaki para sa kanya? O ibig bang sabihin ay wala talaga silang relasyon?

Hmmm, baka naman sakto kina Gerald at Kim ang titulo ng patapos nilang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin (ILAI) kaya pareho silang hindi makasagot?

Sa pagkakaalam namin, career muna ang priority nina Gerald at Bea samantalang marami pa ring gustong patunayan si Kim sa career niya at pag-ibayuhin ang mga negosyo niya.

Mainit na pinag-uusapan ang nalalapit na pagtatapos ng ILAI at panay ang kalampag sa amin ng TFC subscribers kung sino raw ang mamamatay sa ending. Napapa-ha na lang kami, mayroon ba?