Ni Johnny Dayang

Sikat na sikat na ngayon sa buong mundo ang isang linggong Ati-atihan Festival ng Kalibo, Aklan tuwing Enero taun-taon. Nakatala na sa mga kalendaryong pang-international tourism ang pagdiriwang na ito.

May kaugnayan ang Ati-Atihan sa makasaysayang mga tagpo sa epikong Maragtas ng mananalaysay na si Pedro Alcantara Monteclaro. Sumailalim sa patuloy na pagsusuri at pagsisiyasat ang aklat ngunit walang bahagi nito ang nabago dahil sadyang makatotohanan ang mga nakatala doon.

Sa mga huling talakayang tungkol sa Ati-Atihan, lumutang ang mga makabuluhang temang kaugnay ng karunungan, kapayapaan, kultura at teknolohiya. Sa kanyang ulat na pinamagatang Relacion de las Yslas Filipinas noong Hunyo 1852, habang nasa Arevalo, Panay, sinulat sa Kastila ng Kastilang ‘explorer-chronicler’ na si Miguel de Loarca ang sumusunod tungkol sa mga Aeta:

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“[Since] these natives are not acquainted with the art of writing, they preserve their ancient lore through songs which they sing in a very pleasing manner, commonly while plying their oars, as they are island-dwellers. Also, during their revelries, the singers who have good voices, recite the exploits of olden times.”

Ipinapakita nito ang pagkahilig ng mga Aeta sa musika, sayaw, at pagpapanatili ng kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng mga kuwento at talaan na naipapasa nila sa susunod na mga henerasyon. Ang orihinal na mensahe ng Ati-Atihan ay naihalo na sa kanilang relihioyn nang yakapin nila ang Kristiyanismo, lalo na ang kapistahang parangal sa Mahal na Santo Niño.

Ang kahalagahan ng mensahe ng Ati-Atihan ay higit pa sa marangyang pagdiriwang nito. Kasama rito ang pagbibigay galang, pagmamahal at parangal ng mga Aeta sa ibang tribo sa kalapit nilang mga isla, tungo sa pagkakaisa at mapayapang pamumuhay.

Pinalawak ng mga ‘anthropologists’ ang kanilang mga interpretasyon ng Ati-Atihan nitong nakaraang mga taon. Nakita nila ang mga tradisyon at kulturang ipinapasa ng salita na mistulang mga hiyas na nagpapahiwatig ng ugnayan ng mga Aeta sa mga katutubong tribo ng Mindanao.

Sa pagsusuri kamakailan sa ilang salaysay sa epikong Maragtas, kabilang ang 10 mga Datu ng Borneo na lumikas sa Panay, may mga detalye sa alamat kaunay ng Ati-atihan na napatunayang sadyang totoo.

Para sa mga regular na bumibista sa Kalibo, nakikita, nakararamdam at nadadanas nila ang kasiyahan ng Ati-Atihan, isang karanasang hinding-hindi nila makakalimutan, Pilipino man o banyaga. Tunay nga ang pagkamagiliw ng mga taga-Kalibo.

More power kay Kalibo Mayor William Lachica at Aklan Governor Joeben Miraflores. Viva kay Sr. Sto. Niño, Viva!