Ni Gilbert Espeña
NAIS patunayan ni five-division world titlist Nonito Donaire Jr. na may ibubuga pa siya sa boksing kaya tatalunin ang karibal na si dating WBA featherweight champion Carl Frampton sa harap ng mga kababayan nito sa Abril 27 Belfast, Northern Ireland sa United Kingdom.
Boksingero na ngayon si Donaire ng Ringstar Sports ni ex-Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer at nagpahayag ng paghanga sa karibal na si Frampton.
“He is an incredible fighter and I have always wanted to get in the ring with incredible guys. A lot of people are wanting to see this fight. I am ready,” sabi ni Donaire sa BoxingScene.com.
Ito ang unang pagkasa ni Donaire sa top level fighter mula nang maagawan ng korona sa kontrobersiyal na desisyon noong 2016 ng boksingero rin ng dati niyang promoter na si Top Rank big boss Bob Arum na si WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno.
Kung tatalunin si Frampton, gusto niyang magbalik sa United Kingdom para hamunin si IBF featherweight champion Lee Selby na nakatakda namang magdepensa sa kababayang si Josh Warrington.
“I would love to go out there. There is a huge possibility of that. Those guys are amazing and champions,” diin ni Donaire na magsasanay sa Cebu City para sa laban kay Frampton.
“You know how I am with champions. I love to fight champions. Hopefully we can get this with Frampton and then we can go back out there and fight (Lee) Selby,” dagdag ni Donaire na nangakong muling magiging world champion sa taong 2018.