Ni Reggee Bonoan

SINUMPONG na naman pala ng topak ang aktres ngayong sunud-sunod uli ang projects niya. Katwiran daw ng dalaga, masyado siyang napapagod.

Bukod kasi sa sinu-shoot na pelikula ay may kasunod pa ulit siyang gagawin sa ibang bansa naman. Ayaw niyang nai-stress at nangangarag.

Nakakatawa naman siya, e, ang ibang mga artista nga mas gustong nangangarag at nai-stress sa trabaho kaysa nganga.

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

Ang hindi nare-realize ng aktres, sunud-sunod ang ibinibigay na projects sa kanya ng talent management niya dahil malaki ang nakuha niyang advance payment. At higit sa lahat, sinasamantala rin na mainit pa ang career niya kaya mayroon din siyang TV commercials.

Naaalala tuloy namin ang singer/actress na tinopak noon dahil na-burnout sa sunud-sunod na trabaho kaya nagluka-lukahan at ilang buwan ding nawala sa limelight. Nang lumamlam ang career, nagdesisyong bumalik at mabuti na lang, tinanggap pa rin ng tao.

Hmmm, hindi kaya ang singer/actress ang peg nitong aktres na tinotopak ngayon?

Anyway, ang idinadahilan na dalagang aktres na masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya puwedeng mag-shooting, bagay na ikinaloloka ng talent management at ng production team dahil may playdate na sila.

“Eh, malamang made-delay ang showing ng movie, kalurkey!” say ng staff ng talent management ng topak na aktres.

Baka naman kasi gusto nang mag-asawa ng topak na aktres kaya nag-iinarte? Dapat itong alamin ng talent management niya para malinaw.

May natatandaan kasi kaming ganito ring senaryo noon. Nag-inarte ang magandang aktres na sobrang in love sa kanyang showbiz boyfriend at gustong lagi silang magkasama at nagplanong magpakasal, pero napigilan ng magulang dahil nga nasa peak pa siya ng career niya noon.

Ending, nagluka-lukahan kaya naging problema rin sa tapings at shootings ng projects niya.